Patron Saints
SAN SEBASTIAN MARTIR
Patron del Pueblo de Lumbang
Solemnity: January 20 | Lupi ng Kapistahan: Last Sunday of January
PANALANGIN
O Makapangyarihan at maawaing Diyos balingan mo ang aming mga kahinaan at yamang ang bigat ng aming masasamang gawain ang nagpapahirap sa amin,
harinawang ang maluwalhating
pamamagitan ng iyong banal na Martir na si San Sebastian ang aming pananggalang, nabubuhay
at naghahari sa pamamagitan ni Hesukristo ang aming Panginoon, kasama ng Diyos Espiritu Santo, bilang iisa sa daigdig na walang hanggan.
Amen.
SAN FRANCISCO DE ASSISI
Primer Patron del Pueblo de Lumbang
Feast Day: October 4
Si San Francisco ang unang naging pintakasi ng Simbahan ng Lumban, dahil ang simbahan ng Lumban ay ang unang simbahang bato at isa sa mga unang misyong Franciscano sa labas ng Maynila (Intramuros).
Isa rin sa mga himalang nagawa ay ang pagprotekta ni San Francisco de Asis noong panahon ng pandemya at giyera.
Napalitan ang patronato ng bayan noong ika- 18 siglo kung saan si San Sebastian Martir ang kinilalang patron ng bayan.
SAN ANTONIO ABAD
Tercera Patron del Pueblo de Lumbang
Traditional Feast Day: January 18
Isa sa mga tinuturing na patron ng bayan si San Antonio Abad, kaibigan ni San Pablo, Unang Ermitanyo.
Ayon sa mga kwento ng mga matatanda, si San Antonio Abad, kasama sina San Francisco de Asis at San Sebastian Martir ay nakitang nag babantay sa mga sulok ng bayan ng Lumban noong panahon ng giyera, ganoon din naman, tinawag ng mga Lumbeño ang tatlong patron ng Lumban, para mag wakas ang epidemya noong panahon ng Espanyol. Sa tuwing may sunog, sa kaniya nagdadasal ang mga Lumbeño para ito'y mapuksa.
SAN PEDRO BAUTISTA
Fundador del Pueblo y Iglesia de Lumbang
Feast Day: February 6
Si San Pedro Bautista, ang naging unang Kura Paroko ng Lumban. Siya rin ang humingi ng pahintulot sa Gobernador-Heneral na magtayo ng simbahang bato sa bayan ng Lumban.
Matapos ang kaniyang pagsisilbi sa iba’t ibang bahagi ng bansa, siya ay ipinadala sa bansang Hapon, kung saan siya ay pinatay sa pamamagitan ng pagpapako sa krus at pagsibat sa dalawang tagiliran na siyang naging sanhi ng pagkamartir nito.