Kumpisal

GABAY SA PANGUNGUMPISAL


Paraan Ng Wastong Pangungumpisal

1. Matapos suriin ang budhi, magtungo sa lugar kumpisalan,
luluhod at sabihin:

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

Basbasan mo po ako Padre sapagkat ako ay nagkasala.

Ang aking huling kumpisal ay:
(sabihin kung kailan ang huling kumpisal)

Ito po ang aking mga kasalanan:
(sabihin ang lahat ng nagawang kasalanan)

2. Pagkatapos sabihin ang lahat ng kasalanan banggitin:
Padre ito po ang lahat ng nagawa kong kasalanan

3. Makinig sa payo ng pari.

4. Unawain ang sinasabi ng Pari.

5. Pakinggan ang penitensyang ipapataw sa iyo.

6. Dasalin ang panalangin ng pagsisisi.

7. Magpasalamat sa Diyos.